Binatilyo, Nabaril ng 5-Anyos

KRITIKAL ANG kalagayan ng isang binatilyo matapos na aksidenteng mabaril sa leeg ng kaibigan nitong 5 taong gulang gamit ang improvised homemade gun o “boga”.

Base sa report ng mga kinauukulan mula sa Eastern Visayas Regional Medical Center, nakatakdang isailalim sa isang operasyon ang biktimang itinago lamang sa pangalang “Tagoy”, residente ng Marabut, Eastern Samar.

Ayon sa mga nakasaksi ng pangyayari, namamaril ng ibon ang biktima kasama ang bata nang biglang kalabitin ng salarin ang gatilyo ng baril na nagkataon namang nakatutok sa leeg ng binatilyo.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang binatilyo matapos na bumaon sa leeg nito ang balang holen.

Samantala, wala namang plano ang pamilya ng biktima na magsampa ng reklamo sa bata dahil hindi naman umano sinasadya ang nangyari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.