Binatilyo, laya na; 2 pa, dinukot sa Basilan

MAKARAAN ANG HALOS dalawang buwan, laya na ang binatilyong dinukot ng hindi nakikilalang grupo ng kidnapper sa kanilang bahay sa Barangay Tuburan, Akbar, Basilan.

Ayon kay PNP-Directorate for Integrated Police Operation Western Mindanao, Chief Supt. Felicisimo Khu, nailigtas ng awtoridad si Nico Sebastian, 19 anyos, sa bisinidad ng Canas at Semut sa Brgy, Tuburan.

Sinasabing iniwan na lamang ang binatilyo sa lugar na agad namang nailigtas ng mga awtoridad.

Wala namang detalye kung nagbayad ng ransom ang kaanak ni Sebastian.

Noong May 19, sinundo umano ng kanyang

kaibigan na si Nadsmir Francisco na may alyas na Marvin at Toto sa kanilang tahanan hanggang hindi na bumalik.

Mayo 26 ay tinawagan ni Nico ang kanyang ina subalit sa hindi malamang dahilan ay naputol ang kanilang pag-uusap.

May 28 nang makatanggap ng tawag sa cellphone ang kapatid ni Nico na si Janet Sebastian Tahil at humingi ng P2.5 million para pakawalan ang biktima.

Sinabi pa ni Tahil na tatlong araw lamang ang ibinigay na palugit sa kanila at kung mabigong ibigay ang hinihinging pera ay nagbanta na kanilang pupugutan ng ulo si Nico.  (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.