Binatilyo kulong sa pagnanakaw ng alak

GUSTONG MAGPAINIT WALA naman pera kaya nang-umit na lang ng tatlong bote ng Red Horse ang binatilyo sa tindahan ng kapitbahay sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang suspek na edad 16 ng Tangos ng lungsod.

Base sa ulat, alas-11:45 ng gabi, natutulog na ang biktimang si Emilio Mariano, nasa hustong gulang sa loob ng kanilang bahay nang makarinig ng mga kaluskos sa kanilang tindahan.

Bumangon ang biktima upang alamin ang kaluskos at nakita ang suspek na kumuha ng tatlong bote ng Red Horse at nagmamadaling tumakas.

Humingi ng tulong ang biktima sa kanilang barangay na naging dahilan upang puntuhan at inabutan ang suspek na tinutungga ang alak.

Dinala ang suspek sa pre-sinto na nagmakaawa sa biktima na nagawa lamang nitong mang-umit ng alak dahil sa lamig ng panahon at wala naman siyang perang pambili subalit hindi ito pinatawad ni Mariano.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.