Binatilyo, Kritikal sa Boga ng Kalaro

NASA KRITIKAL na kondisyon ang isang 14-anyos na lalaki matapos na aksidenteng mabaril ng 13-anyos na kalaro sa Brgy. Camachille, Dona Remedios Trinidad, Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Leomar Magtanao, residente sa nabangit na barangay habang ang suspek naman ay itinago sa pangalang Bryan.

Nabatid na aksiden-teng nabaril ang biktima sa kanang bahagi ng ilalim ng mata ng  cal.22 na baril habang naglalaro ang magkaibigan. Kung saan agad isinugod sa Jose Reyes Medical Center sa Sta. Cruz, Manila ang biktima.

Samantala, patuloy pa ang isinasagwang imbestigasyon ng DRT police upang matukoy kung sino ang may-ari ng nabanggit na baril at paano ito nakuha ng kalaro ng biktima.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.