Binatilyo, kinatay ang gumagahasa sa ate

NAPATAY ANG isang  29-anyos na kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sinasabing naaktuhan sa panggagahasa matapos itong pagtatagain ng 15-anyos na lalaki sa Barangay Bollilising, Villaviciosa, Abra noong Martes ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Davy Vicente Limmong, ang nasawi na si John Paul Barbero ng Barangay Apappaya sa nasabing bayan habang naaresto naman ang salarin na itinago sa pangalang Vic.

Lumalabas sa police report, tinangkang halayin ni Barbero ang 21-anyos na utol na babae ng salarin sa bakanteng kubo na imbakan ng tabacco sa Sitio Las-ud sa naturang barangay.

Gayon pa man, duma¬ting ang suspek kung saan naaktuhan nito si Barbero habang sinisibasib ng halik ang kanyang ate na itinago sa pangalang Sheena na nakikipagpambuno sa manyakis na pi-nupuwersa itong hubaran para halayin.

Samantala, nabatid sa report na si Sheena na sinasabing casual employee ng Medicare Hospital ay matagal na umanong pinagpapantasyahan ng suspek.

Dito sumiklab ang galit ng binatilyo kung saan kumuha ng bagong hasang itak saka pinagtataga si Barbero na nakadagan sa kanyang umiiyak na kapatid.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.