Binatilyo, Kinagat at Itinapon sa Ilog ng Nanggigil na Baliw

NAGTAMO NG mga pasa sa katawan at muntik nang malunod ang isang binatilyo matapos kagatin at itapon sa ilog ng isang baliw sa Negros Occidental.

Base sa report, naghihintay ang 12-anyos na biktima na kinilala lamang sa pangalan na “Sherwin” sa kanyang kaibigan sa isang tulay sa bayan ng EB Magalona upang mamingwit sana ng isda sa ilog.

Laking gulat na lamang ng biktima nang lapitan ito ng salarin na si Loterio De Asis, alyas Onyok at bigla itong kinagat sa balikat.

Hindi pa nakuntento ang pinaniniwalaang baliw sa kanyang ginawa kung saan, kanya pang binalikan ang binatilyo at muling kinagat sa braso.

Sa sobrang gigil sa biktima, muling binalikan ito ng baliw at tinalian at biglang itinapon sa ilog.

Samantala, masuwerte namang nakaligtas ang biktima mula sa pagkalunod.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng mga kinauukulan si Onyok na mabilis na nakatakas.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.