Binatilyo, Ginulpi at Binaril sa Harap ng Syota

KRITIKAL ANG 14-ANYOS na binatilyo matapos na gulpihin at barilin sa tiyan sa harap ng kanyang syota dahil sa alitan kasabay ng pagdaraos ng simbang gabi kahapon ng umaga sa Marikina City .

Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Carlo Flores, 14, residente ng Paliparan, Brgy. Sto. Nino, ng nasabing lungsod.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga suspek na pinaniniwalaang nakaalitan ng biktima sa loob ng simbahan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:45 ng umaga sa harap ng Ola Church, Brgy. San Roque, Marikina City.

Nabatid na naglalakad na papauwi mula sa pagsisimba ang biktima kasama ang kanyang syota at iba pang kabarkada nang makasalubong ang grupo ng mga suspek.

Nagkaroon umano ng asaran at buskahan ang magkabilang grupo na nauwi sa pananakit sa biktima habang ang mga kasamahan ay nagkanya-kanya nang takbuhan.

Sa kabila ng pagmamakaawa ng syota ng biktima, walang awang ginulpi ng mga suspek si Flores bago pinutukan ng dalang improvised gun sa tiyan saka nagkanya-kanya na ring pulasan.

Sa tulong ng ilang concern citizen, naisugod sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktima, kung saan ito ngayon nakaratay.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.