Binatilyo, Ginulay ng Grupo sa Basketball Court

MISTULANG LANTANG gulay ang isang binatilyo matapos pagtulungang bugbugin at saksakin ng grupo habang ang una ay nanonood ng practice ng basketball sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak at bugbog sa katawan si Jeffrey Jiongco, 16, ng Bacog St., Tangos ng lungsod.

Nakatakas naman ang mga suspek na nakilala lang sa mga alyas na Pipoy; Edmar; Leo at apat na hindi pa kilalang mga kasama.

Sa ulat, alas-11:30 ng umaga, nakaupo ang biktima sa loob ng basketball court sa Kapalaran St., San Jose ng lungsod habang nanonood sa mga nagpa-practice ng basketball nang lapitan at pagtulungang bugbugin ng mga suspek.

Bago makalapit ang mga nagpa-practice ay nasaksak na ng mga suspek ang biktima bago nagsitakas habang dinala naman si Jiongco sa JRMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.