Binatilyo, Dakip sa Pagmamaltrato sa Kapatid

DINAKIP ANG isang binatilyo matapos ireklamo ng pagmamaltrato sa nakababatang kapatid na babae sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang dinakip na si Eugene Cañotal, 17, ng Kabulusan 1 ng lungsod.

Nabatid na nagreklamo ang 15-anyos na dalagita na kapatid ng suspek sa mga barangay tanod na minamaltrato siya ng kanyang kuya.

Humingi ng tulong sa mga pulis ang mga barangay tanod na na-

ging dahilan upang dakpin ang suspek at dalhin sa presinto dakong alas-9 ng umaga upang maimbestigahan sa kasong pagmamaltrato sa nakababatang kapatid.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.