Binatilyo, Bitin sa 54-Anyos na Ginang

LABIS ANG pagsisisi ng isang 20-anyos na binatilyo dahil bukod sa bigong maisakatuparan ang masamang balak laban sa isang 54-anyos na ginang, ay naaresto pa ito ng mga kinauukulan sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Nahaharap sa kasong tangkang panggagahasa ang suspek na si Istalion Anonueva, residente ng Barangay Guiling sa nasabing lugar.

Tinangka nitong halayin ang hindi na pinangalanang ginang na noo’y naglilinis ng kanilang bahay.

Bigla na lamang pumasok sa loob ng bahay ang suspek na natatakpan ng panyo ang mukha at agad sinunggaban ang nagulat na biktima.

Hinawakan ng suspek ang maseselang bahagi ng katawan ng ginang kahit ito ay nagpupumiglas.

Minalas namang nahulog ang panyong nakatakip sa mukha ng suspek nang maihiga ang ginang kaya’t kumaripas na ito ng takbo nang siya ay mamukhaan.

Kaagad nakahingi ng tulong ang biktima dahilan para maaresto ang suspek.

Samantala, inaalam na kung nasa impluwensya ng iligal na droga ang binatilyo nang isagawa ang tangkang panghahalay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.