Binatilyo, agawbuhay sa tiyanak

KRITIKAL ANG isang binatilyo matapos sum-pakin ng isang alyas ‘Tiyanak’ nang sundan ng una ang nagwawalang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng sum-

pak sa katawan si Jethro Fabian, 15 ng Muling Pagkabuhay St., Bagong Barrio ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lang sa alyas na ‘Tiyanak’ ng Malolos Avenue ng lungsod.

Base sa ulat, alas-3:16 ng umaga, naglalaro ng cara y cruz ang biktima sa lamayan sa Intan St., Bagong Barrio nang dumating ang suspek at naghahamon ng away.

Makalipas ang ilang sandali ay umalis ang suspek na sinundan ng biktima at ilang kaibi-gan subalit pagsapit sa Malolos Avenue ay lu-

mabas ang suspek sabay pinutukan ng sumpak ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.