Binatang Wanted sa Kaso ng Pagpatay, Nadakip Na

MAKALIPAS ANG mahigit dalawang taong pagtatago sa batas sa kaso ng karumal-dumal na pagpatay, nadakip na ang isang binatang wanted ng pinagsanib na puwersa ng San Jose del Monte PNP, Provincial Public Safety Company at CIDT sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Citrus, San Jose Del Monte City, Bulacan, kamakalawa ng tanghali.

Sa ulat na ipinadala ni P/Insp. Sean Logronio ng PPSC kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Vincent Tecson Y Cerbito, 18-anyos, residente sa nabangit na barangay.

Inaresto si Tecson sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Branch-85 Regional Trial Court judge Ma. Belen Ringpis Liban sa kasong Murder.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa CIDT detention cell kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte sa binata.

(TONY DELA PEÑA)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.