Binatang Umiwas Mabasa sa Ulan, Naholdap

HINDI INAKALA ng binata na ang pagsilong upang maiwasang mabasa ng ulan ang magiging dahilan upang maholdap ng dalawang lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nadakip naman si Andy Villanueva, 21 ng Dau St., 3rd Avenue ng lungsod habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.

Sa ulat, alas-2 ng umaga, umuulan na naging dahilan upang sumilong sa tapat ng 7/11 sa Monumento ng lungsod si Glenn Abeleda, 21 ng Tonsuya, Malabon City upang hindi mabasa.

Lumapit ang mga suspek sabay tutok ng baril sa biktima at kinuha ang digital camera ni Abeleda bago tumakas.

Nakahingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at sa ginawang follow-up operation ay nadakip si Villanueva at nakuhanan ng paltik na baril habang nakatakas ang kasama dala ang camera ni Abeleda.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.