Binatang Umihi sa Pader, Binaril

PANUNUBIG SA BAWAL na lugar ang naging mitsa ng maagang kamatayan ng isang binata nang ito ay barilin habang umiihi sa pader ng isang hindi nakikilalang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Walang buhay na dinala sa President Diosdado Macapagal Medical Center ang biktimang si Armando Navete, 37, residente ng No. 411 Julian Felipe St., Sangandaan ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa likod.

Sa report ni PO1 Rodney Dela Roma ng Station Investigation ng Sub-Station 2, bandang alas-6 ng gabi, umihi sa pader si Navete sa Sangandaan, panulukan ng Pili St., Caloocan City.

Hindi pa man natatapos sa pag-ihi ang biktima, bigla na lang itong pinaputukan ng hindi kilalang suspek na noo’y naglalakad.

Hinala ng pulisya, nainis ang suspek kay Navete dahil sa ginawa nitong pag-ihi, gayung may nakasulat sa pader na “Bawal Umihi Dito”.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para sa pagkakakilanlan ng tumakas na suspek.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.