Binatang tirador ng pagkain, tinarakan

PATAY ANG ISANG lalaki matapos itong saksakin ng kanyang kalugar makaraang mabuwisit ang huli sa una nang palagi na lamang nitong tinitira ang kanyang pagkain kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival nang idating sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) Caloocan City sanhi ng tinamong tama ng saksak sa dibdib ang biktimang si Vicente Aramis, 38, binata, ng Corigidor St., 10th Ave. Brgy. 60.

Nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na nakilalang si Silvino Meneses, 56, binata, ng No. 138 Nadurata St., 10th Avenue, ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng junkshop na matatagpuan sa Corigidor St., cor. Nadurata ng nasabing lungsod.

Kasalukuyang nanonood ng telebisyon ang biktima nang madaanan ito ng suspek na lango sa alak. Dito, kinumpronta ni Meneses si Aramis na huwag ng pakikialaman at kainin ang pagkain na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa galit ng suspek ay agad nitong kinuha ang kanyang patalim at sinaksak ang biktima hanggang sa duguan itong humandusay sa kalsada.

Ilang nakakita sa pangyayari ang nagdala sa biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na rin ito umabot pang buhay habang hindi na nagawa pang makatakas ng suspek matapos rumesponde ang mga barangay tanod.

Nabatid na kaya nagawa ng suspek na patayin ang biktima dahil sa palagi na lamang kinakain ng huli ang pagkain nito sa tuwing pumupunta sa kanyang bahay.  (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.