Binatang Rapist, Arestado

NAGWAKAS ANG maliligayang araw ng isang binatang rapist matapos ang tatlong taon pagtatago sa batas nang gahasain ang dalagitang kapit-bahay makaraang maaresto ito ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nadakip ang suspek na si Arjhay Alejandro, 18, ng Torsillo St., Landaska Caloocan City at nahaharap sa kasong Rape, sa bisa ng warrant of arrest na ipina-labas ni Judge Raymundo G. Vallega, ng RTC Br. 130, Caloocan City.

Ayon sa ulat, nagsimula ang pangyayari taong 2009, niyaya ng suspek ang biktima na makipag-inuman sa loob ng bahay ng huli at nang malasing ay saka nito isinagawa ang makamundong pagnanasa, saka tumakas.

Dakong alas 8:00 ng gabi napansin na ang suspek ay nasa loob ito ng kanilang bahay at agad itong isinumbong sa mga awtoridad ng nagresulta ng pagkakadakip ni Alejandro.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.