Binatang nalipasan ng gutom, nang-hostage

LIPAS-GUTOM AT lango sa droga ang sinasabing dahilan upang mapraning ang isang lalaki at mang-hostage ng isang ginang sa Navotas kahapon ng umaga.

Nakakulong naman si Joel Torre, 27 ng Bacog, San Jose ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-5:20 ng umaga, napraning ang suspek at biglang hinatak at tinutukan ng patalim si Grace Caragdag, 41 sa Kahunari 1, San Jose ng lungsod.

Kinaladkad ng suspek sa kalsada ang biktima habang nakatutok ang patalim sa leeg ng ginang na naging dahilan upang tumawag ng mga pulis ang mga residente.

Matapos ang isang oras na pakiusapan at nang bigyan ng pagkain ang suspek ay binitawan na nito ang biktima.

Agad na dinala ang biktima sa Tondo Medical Center upang masuri at nang masigurong nasa ligtas na kalagayan ay pinauwi, habang idiniretso sa presinto ang suspek.     (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.