Binatang Nakipagtalik sa Nobyang Dalagita, Ipinakulong

NAHAHARAP SA kasong panggagahasa ang isang 18-anyos na binata matapos mahuli sa akto na kinakatalik ang isang 13-anyos na dalagita sa loob ng banyo sa bahay ng biktima sa bayan ng San Jacinto, Pangasinan.

Nagising umano ang ina ng dalagita pasado alas-10 kagabi nang maulinigan nito ang ingay sa loob ng kani-lang banyo kayat napilitan itong tingnan.

Laking gulat na lamang ng ginang nang makita niya ang hubo’t hubad na anak kasama ang binata na gu-magawa ng milagro sa loob ng kanilang banyo.

Bunsod nito, agad pina-dampot ng ginang sa mga pulis ang lalaki habang dinala sa Region I Medical Center dito sa lungsod ng Dagupan ang dalagita para ipasuri sa mga manggagamot.

Samantala, desidido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso ngunit depensa ng suspek hindi raw niya pinilit ang dalagita dahil sila ay magkarelasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.