Binatang Naka-Motorsiklo, Patay sa Pagbangga sa Poste; Angkas na Babae, Sugatan

BASAG ANG bungo ng isang binata habang sugatan ang angkas nitong babae nang aksidenteng mabangga sa poste ang minamaneho nitong motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Namatay habang dinadala sa ARO Medical and Lying-In Clinic ang biktimang si Jeansy Ramos, 18, habang ginagamot naman si Reizzie Mey Llano, 17, kapwa ng No. 297 Comp. 69, Magdalena St., Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw, minamaneho ni Ramos ang kanyang Suzuki motorcycle (880-UT) at binabaybay ang kahabaan ng Baesa Road tapat ng Cleoper Shop ng nasabing lungsod.

Dito, hindi napansin ni Ramos ang taxi na Toyota Vios-TXX-475  na minamaneho ni Ronald Roque, 37, may-asawa ng No. 409 Rubyville St., Baesa ng naturang lungsod.

Ayon kay Roque, malayo pa lamang ay napansin na nito ang paparating na motorsiklo na minamaneho ni Ramos at mabilis ang pagpapatakbo dahilan upang itabi nito ang kanyang taxi hanggang sa masagi at masira ang metro ng tubig.

Dito, nabulaga si Ramos at hindi agad nito nakitra ang taxi kung kaya’t huli na nang umiwas ito at sa kanyang pagkabig ng manibela ay bumangga sa poste na ikinabagsak ng mga ito sa semento.

Agad namang isinugod sa nabanggit na pagamutan ang mga biktima subalit si Ramos ay hindi na umabot pang buhay sanhi ng pagkabasag ng bungo nito.

(MARY H. SAPIC0)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.