Binatang naglalaro ng basketball, pinagbabaril, patay

HINDI INAKALA NG isang binata na iyon na ang huli nitong laro ng basketball makaraang pagbabarilin ito ng isang di-kilalang salarin habang naglalaro ng basketball kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-arrival nang ida-ting sa Pagamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng tatlong tama ng bala ng .45 na baril sa hita ang biktimang si Gerald Talastas, 18, ng No. 59 S. Pascual St., Brgy. San Agustin, Malabon City.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente lulan ng bisikleta.

Sa ulat, dakong alas-6:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa S. Pascual St., Matadero, San Agustin ng nasabing lungsod habang ang biktima ay naglalaro ng basketball.

Nabatid, isang lalaki na nakasumbrero at nakatakip ang mukha ng face towel sakay ng bisikleta ang biglang lumutang at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima at nang bumulagta sa lupa ay mabilis na tumakas.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Inaalam na rin ng pulisya kung ano ang tunay na motibo ng suspek sa pagpaslang kay Talastas.     (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.