Binatang may polio, nagbigti

WINAKASAN NG ISANG binatang may sakit na Polio ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti nang hindi na nito ang makayanan ang kanyang sakit, iniulat kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Wala nang buhay na nakabigti nang matagpuan ang biktimang si Joven Abadia, 27, ng No. 551 Ramilon St., East Bagong Barrio, Brgy. 156, Caloocan City .

Sa ulat ni P02 Alejandro Billedo, ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB) Caloocan police, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito sa naturang lugar.

Ayon sa ina ng biktimang si Aling Lilibeth, laking gulat nito nang makita ang anak na nakabigti gamit ang lubid na nakatali sa kahoy na pinakabubong ng higaan ng biktima.

Agad siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay at ipinagbigay-alam sa pulisya ang nasabing insidente.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives-Northern Police District Office (SOCO-NPDO), walang nakitang anuman sugat sa katawan ang biktima o pa-latandaan na pinatay ito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.