Binatang kinagat ng ‘bampira’, nag-iiba ng anyo

ISANG BINATA ANG kinakikitaan na ng kakaibang kilos at anyo matapos na umano’y makagat ng hinihinalang bampira noong nagdaang buwan sa lalawigan ng Cotabato.

Kinilala ang nag-iiba ng anyo na si  Ramil Evangelista, 21-anyos ng Barangay Cana-an, lungsod ng Antipas, na ayon sa ina ng binata na si Felomina, nakagat ang kanyang anak alas-5:00 ng hapon noong Disyembre 17, ng isang matandang babae na mahaba ang buhok at malaking bulas.

Galing umano ang ang kanyang anak sa pagdalo sa isang Christmas Party sa kabilang barangay at habang papauwi ay nakasalubong nito ang isang matandang babae sa isang sapa.

Nabigla na lamang ang binata nang sakmalin siya sa leeg ng babae, kung saan naging abnormal na umano ang lagay ng kanyang anak, at sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-iiba na umano ito ng anyo.

Sinabi pa ng ina, bukod sa hindi mapakali ang anak sa tuwing bilog ang buwan, agad na namumula ang mga mata nito na halos gusto na siyang sakmalin at palagiang sinasakmal ang leeg ng mga taong kanyang nakakasalubong at nagiging mabangis na ang anyo nito.

Sa tuwing magbabago ng anyo ang kanyang anak, limang kalalakihan ang nagtutulung-tulong upang ito ay igapos dahil sa sobra ang lakas nito.

Maging ang kanilang mga kaanak na nakilalang si Rico dela Peña, napapansin din ang paghaba ng kuko ng binata kapag ito ay sinusumpong at nanunulis ang kanyang mga ngipin.

Isa pang kaanak ng mga Evangelista na na-kilalang si Rina, ay nakakaramdam din ng kakaiba sa kanyang pagkatao matapos na sakmalin sa leeg ng binata.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.