Binatang kawatan, kulong

SWAK SA kulungan ang isang binata matapos akyatin at pagnakawan ang mga boarder sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Ricardo Cura, 23, ng DM Compd., ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng umaga nang akyatin ng suspek ang boarding house malapit sa kanilang bahay at tangayin ang cellphone, relo at pera ng mga boarder na sina Crisol De Quillo; Raymond Tulaylay at Joan Catenza.

Paglabas ng suspek ay may nakakitang mga tambay na naging dahilan upang isumbong sa mga barangay tanod.

Hinanap ang suspek at nang makita ay dinala sa presinto subalit hindi na nabawi ang dalawang cellphone at P7,500 cash ng mga biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.