Binatang Broken-Hearted, Patay sa Bigti

HINIHINTAY NA lamang ang pamilya ng isang binata na nagpatiwakal sa Magarao, Camarines Sur.

Ito’y makaraang ma-tagpuan na lamang na nakabitin at wala nang buhay ang 22-anyos na biktimang si Mark Anthony Gunoon na taga-Iriga City.

Ayon sa nakakita sa biktima, bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa loob ng pinagtatrabahuhan nito sa Warren Videoke Bara sa Barangay Pagatpatan.

Gamit ang cable wire, pinaniniwalaang walo hanggang 10 oras ng nakabitin ang bangkay ng biktima.

Ayon naman sa isa sa mga kaibigan ng biktima na tumanggi na rin magpakilala, inaalok siya nito kamakalawa ng gabi upang mag-inuman.

Dahil na rin sa mayroon siyang ginagawa ay hindi niya ito napagbigyan kung saan sinabi nito sa kanya ang mga katagang “ganyan lang kayo, wala kayong oras sa akin.”

Nito umanong mga nakaraang araw ay nakausap niya ang biktima at nagsabi sa kanya kaugnay ng problema nito sa kanyang kasintahan na siyang tinutu-rong dahilan ng pagpapakamatay nito.

Samantala, napag-

alaman rin na hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa problema sa pamilya kaya nanunuluyan na lamang sa kanyang mga barkada.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.