Binatang bigong halayin ang dalagitang kapitbahay, kulong

SWAK SA kulungan ang isang binata nang manlaban ang kapitbahay na dalagita na pinasok at tinangkang halayin ng una sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Ritchie Navarro, 21, ng 9th Avenue West ng lungsod.

Sa ulat, alas-6:15 ng umaga, nasa loob ng kanilang bahay ang biktimang edad 17 nang pasukin at tutukan ng patalim ng suspek.

Nang paglalamasin ang mga maseselang bahagi ng katawan at sisimulan halayin ay nagawang makapiglas ng biktima bago nagsisigaw.

Agad na sumaklolo ang mga kapitbahay ng biktima na naging dahilan upang dambahin at dalhin sa presinto ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.