Binata, Todas sa Frat War

ISANG BINATA ang nasawi matapos itong paluin ng bato sa ulo ng kalabang fraternity sa Brgy. Caniogan, Malolos City, Linggo.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay PNP Provincial Director Senior Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si Mark Ace Caseria, 19 anyos, baker at residente ng Look St., Brgy. Caniogan, sa nabangit na syudad; samantalang ang suspek naman ay nakilalang sina Aaron Resurreccion, 22 anyos, binata, gasoline boy; at isang alyas Ryan Martin, pawang mga residente ng Inang Wika St. ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na si Arjay Crisostomo sa Look St. nang harangin at kumprontahin ng mga suspek hinggil sa kanilang fraternity.

Habang nagtatalo, biglang pinalo ng bato ng mga suspek ang ulo ng biktima na siyang ikinamatay nito.

Kalaboso ngayon ang mga suspek sa Malolos City Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.