Binata, Todas sa Bilyar

PATAY ANG isang 24-anyos na lalaki matapos barilin dahil lamang sa larong billiards sa Brgy. Bagacay, San Dionisio, Iloilo.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nanonood ang biktimang si Ronel Layda sa suspek na si alyas Moritoy habang naglalaro ito ng billiards.

Napagkamalan umano ng salarin ang biktima na hindi nagbayad sa laro kaya’t kanyang binaril gamit ang .38 caliber revolver.

Dead on arrival ang nasabing biktima sa pagamutan habang naaresto naman ang salarin na tiyuhin umano ng isang vice mayoralty candidate sa nasabing bayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.