Binata, Tinusok Habang Naglalaro ng Basketball

SUGATAN ANG binata ma-tapos tusukin ng icepick ng kalugar habang ang una ay naglalaro ng basketball sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng tusok ng icepick sa likod si Fernando Ginsalan, 22 ng Champaca St., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Joemel Batak, 16, ng Antorium St., NBBS ng lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, naglalaro ng basketball ang biktima sa kanilang lugar nang mula sa likod ay sumulpot ang suspek at walang salitang tinusok ng icepick ang una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TGH.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang motibo ng suspek upang tusukin ng icepick ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.