Binata, tinira ng karibal

ISANG 21-ANYOS NA binata ang muntik nang magsimba nang may bulak sa ilong nang barilin ito ng kanyang karibal habang ang biktima ay naglalakad patungo sa bahay ng kanyang girlfriend sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ang biktima na nasa kritikal na kalagayan sa St. Martin De Porres Hospital sa San Juan City sanhi ng tama ng bala ng pen gun sa tumbong ay si Ralph Ca-mpania, 21, binata at kasalukuyang nakatira sa Block 66, Lot 15m Phase 9, Brgy. 176, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Isang alyas “Ken Ken” at apat nitong kasamahan ang pinaghahanap ngayon ng mga elemento ng Caloocan City Police para papanagutin sa kanilang ginawang pamamaril sa biktima.

Sa ulat ni SPO3 Decoroso Domingo, may hawak ng kaso, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Phil Road, Brgy 176.

Nabatid na naglalakad ang biktima patungo sa bahay ng kanyang girlfriend upang sunduin para mag-simbang gabi nang biglang sumulpot ang suspek kasama ang apat pang kalalakihan.

Walang sabi-sabing pinutukan ni Ken Ken ang biktima ng dala nitong pen gun na tinamaan sa tumbong at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Napag-alaman pa na ang suspek na si Ken Ken ay masugid na manliligaw ng kasintahan ng biktima.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.