Binata, Tinarakan Matapos Maghatid ng Nobya

PATAY ANG isang binata nang saksakin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naglalakad papauwi makaraang ihatid ang nobya sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng saksak sa dibdib si Michael Rico, 31, medicine distributor ng Gumaoc, San Jose Del Monte, Bulacan.

Base sa ulat, alas-11 ng gabi, inihatid ng biktima ang nobyang si Keezhai sa Mendiola St., Tonsuya ng lungsod.

Naglalakad na papauwi sa Victoneta Avenue, Potrero ng lungsod ang biktima nang saksakin ng suspek bago tumakas.

Hindi naman tinangay ng suspek ang mga gamit at pera ng biktima, kung saan iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.