Binata, Tinarakan Habang Nakikipag-Chat

SUGATAN ANG binata matapos tarakan sa likod ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakikipag-chat sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng saksak sa likod si Larry Delos Santos, 21 ng Phase 8, Bagong Si-lang ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-10 ng gabi, nakikipag-chat ang biktima sa kanilang lugar nang lapitan ng suspek at tarakan sa likod.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRH, kung saan inaalam na kung sino ang una at motibo sa pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.