Binata tiklo sa pagbebenta ng nakaw na motorsiklo

KULONG ANG ISANG binata matapos itong mahuli sa aktong nagbebenta ng mga umano’y nakaw na motorsiklo sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Caloocan City Police Anti-Carnapping kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Anti-Fencing Law sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek na si Mark Christian Gurado, 27, ng Phase 8-A, Bagong Silang, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang madakip ang suspek sa Phase 7-B, Bagong Silang, Caloocan City sa isinagawang surveillance operation ng mga awtoridad.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagbebenta ng suspek ng mga nakaw na motorsiklo, dito agad na isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kay Gurado.

Narekober mula sa suspek ang pitong iba’t ibang klase ng motorsiklo at inaalok lamang nito ang bawat isa sa halagang P7,500.00 at isang motor engine.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.