Binata tigok sa tiyuhin

PATAY ANG ISANG binata matapos pagsasaksakin ng tiyuhin makaraan ang pagtatalo matapos magsumbong ang kapatid ng una na pinagsabihan sila ng suspek na palamunin ng kanilang ina sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng dalawang saksak sa katawan si Michael Garcia, 29, ng Green Valley St., Camarin ng lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Arnel Rollo, 41, tiyuhin at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, alas-11:15 ng gabi, umuwi ang biktima sa kanilang bahay nang magsumbong ang nakababatang kapatid na si Angelito na sinabihan sila ni Rollo na umaasa pa sa kanilang ina kahit may mga edad na.

Agad na pinuntahan ng biktima ang tiyuhin sa bahay ng huli at kinompronta na naging dahilan ng pagtatalo.

Kumuha ng patalim si Rollo at pinagsasaksak ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa nasabing ospital habang nadakip naman ang suspek ng mga pulis.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.