Binata, Tigok sa Katomaan

PATAY ANG isang binata matapos pagbabarilin ng kainuman makaraan ang pagtatalo sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Nilo Besigna, 44, ng Phase 1, Dagat-dagatan ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Rolly.

Sa ulat, ala-1 ng umaga, kainuman ng biktima ang suspek sa Bidbid St., North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod nang magtalo.

Nagbunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima bago tumakas sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Dinala naman ang biktima sa TMC habang inaalam na ng mga pulis ang pinagtalunan ng una at ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Binata, Tigok sa Katomaan

  1. Pingback: Binata, Tigok sa Katomaan - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.