Binata, Tigok sa Bigti

TIGOK ANG binata ma-tapos magbigti sa loob ng kanilang banyo sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Patay na nang makita si Gary Gatchalian, 33 ng De Castro St., Malinta ng lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, dinalaw ang biktima ng kaibigan na hindi na nakuha ang pangalan subalit hindi lumalabas ng bahay si Gatchalian.

Sapilitang binuksan ang pinto ng biktima at nang makapasok ay hinanap si Gatchailan at laking gulat nang makitang nakabigti ng blanket sa loob ng banyo.

Agad na ipinagbigay-alam sa mga pulis ang pangyayari, kung saan inaalam na kung bakit nagbigti si Gatchalian.

Inaalam na rin kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.