Binata, Sinalubong ng Saksak, Patay

PATAY ANG isang binata matapos salubungin ng saksak ng kaaway habang ang una ay naglalakad sa loob ng palengke sa Valezuela City kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng saksak sa dibdib si Patrick Almocera, 19, ng Gumamela St., Gen. T. De leon.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala sa alyas na Emon, 18, ng F. Bautista st., Marulas ng lungsod.

Sa ulat, alas-3 ng hapon, naglalakad ang biktima sa loob ng palengke sa Marulas, Pio Valenzuela ng lungsod nang salubungin at saksakin ng suspek bago tumakas.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.