Binata sinaksak ng nasagi, kritikal

KRITIKAL ANG ISANG binata matapos saksakin ng nasagi habang naglalakad sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Reynante Yadlawan, 21, ng R-10, NBBS ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Rocky ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa R-10, NBBS ng lungsod nang masagi ang nakasalubong na suspek.

Sa pag-aakalang sinadya ng biktima ay nagalit ang suspek at agad na nagbunot ng patalim bago tinarakan si Yadlawan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Binata sinaksak ng nasagi, kritikal

Leave a Reply

Your email address will not be published.