Binata sinaksak matapos magpa-load

KRITIKAL ANG ISANG binata matapos saksakin ng kalugar habang ang una ay naglalakad papauwi makaraang magpa-load sa cellphone sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Ryan Palamos, 21 ng Orchids st., Longos ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Anthony Aro, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-7 ng gabi, galing sa tindahan ang biktima at nagpa-load ng cellphone sa nasabing lugar nang salubungin ng suspek at walang salitang undayan ng saksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa TMC ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.