Binata, Pisak sa Cargo Truck

DEAD ON the spot ang isang binata makaraang mabundol at masagasaan ng isang truck matapos mag-crash ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay Bulcan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nasa-

wing biktima na si Glen Ebardone Y Bautista, nasa hustong gulang; samantalang ang suspek naman na agad ding sumuko sa mga pulis ay nakilalang si Arnold Fabia Y Moreno, 33 anyos, driver, tubong Samar at residente ng Malanday, Valenzuela City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-6 ng hapon nang maganap ang aksidente sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nag-overtake umano ang minamanehong motorsiklo ng biktima nang bigla na lamang itong mag-crash sa harap ng paparating na cargo truck dahil upang pumailalim ito at magulungan ng ilang beses ng naturang sasakyan.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.