Binata pinatay sa harap ng nobya

PATAY ANG ISANG binata matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nasa harap ng nobya na nagtitinda ng pritong manok sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo si Ralph Campano, 21 ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, nasa tapat ang biktima ng tindahan ng pritong manok ng nobyang hindi na nakuha ang pangalang sa Phase 9, Bagong Silang nang lapitan at pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay parang walang nangyari na naglakad lang papalayo ang suspek kung saan nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.