Binata, pinatay habang natutulog

HINDI NA NAGISING ang isang binata matapos pagbabarilin ng dalawang kaaway habang ang una ay natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 at sumpak sa katawan si Joselito Maliwat, 25 ng Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Marco Amellana ng B. Espiritu St., Tinajeros ng lungsod at isang hindi pa nakikilalang kasama nito.

Sa ulat, alas-7:15 ng gabi, natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin at pagbabarilin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis kung ano ang atraso ng biktima sa mga una.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.