Binata, Pinagtulungang Bugbugin at Saksakin; Kritikal

NAKATUNTONG SA hukay ang isang paa ng 19-anyos na binata makaraang pagtulungan itong bugbugin at pagsasaksakin ng dalawang kalalakihan habang ang biktima ay naglalakad kasama ng isang kaibigan papauwi sa kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Malubhang nakaratay sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga tama ng saksak sa katawan ang biktimang si Jerome Canapi, walang asawa at residente ng Saguittarius St., Brgy. 181, Pangarap Village ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga elemento ng Caloocan PNP ang dalawang suspek na nakilalang sina Joseph Espartero, 25, ng Brgy. 182, Pangarap Village; at Jefferson Quintos, 22, ng Mahogany St., Brgy. 182, Pangarap Village, ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-2 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Araneta Avenue, Pangarap Village.

Nabatid na kasaluku-yang naglalakad ang biktima kasama ang isang Renato De Ocampo sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang dalawang suspek kung saan agad na pinagtulungan itong bugbugin.

Hindi nakuntento ang suspek na si Espartero at binunot nito ang kanyang patalim at saka sunud-sunod na pinag-uundayan ng saksak ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Kaagad na dinala ng mga residente sa nasabing lugar ang biktima sa Tala Hospital at makalipas ang ilang sandali ay inilipat ang biktima sa East Avenue Medical Center, kung saan ito ay patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.

Nagsasagawa ngayon ang Caloocan PNP ng follow-up operation sa posibleng pagkakaaresto sa dalawang suspek.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.