Binata, Pinagsasaksak sa Labas ng Internet Shop

KRITIKAL ANG isang binata matapos pagsasaksakin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay kalalabas lang ng internet shop sa Malabon City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Richard Gaming, 23 ng Damata, Tonsuya ng lungsod.

Sa ulat, alas-2 ng umaga, kalalabas lang sa internet shop ng biktima sa nasabing lugar nang pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC, kung saan nag-iimbestiga na ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng una. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.