Binata, Patay Sa Trip ng 4

PATAY ANG isang binata matapos pagtripang pagbabarilin ng apat na hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa FEU hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo at likod si Jayvin Flores, 26, ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.

Base sa ulat, alas-2:30 ng umaga, naglalakad ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa eskinita sa Phase 1, Bagong Silang nang paputukan ng mga suspek.

Nagtakbuhan ang grupo ng biktima su-balit hinabol ng mga suspek at si Flores ang minalas na inabutan at pinagbabaril.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa FEU ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.