Binata patay sa inuman

PATAY ANG ISANG binata matapos pagsasaksakin ng kaaway na lasing habang ang una ay nakikipag-inuman sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Jessie Dela Cruz, 36, ng Buklod ng Nayon ng nabanggit na lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Manuelito Sevilla, 28, at kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-9 ng gabi, kainuman ng biktima ang mga kaibigan sa tapat ng kanilang bahay nang sumulpot ang lasing na suspek at pagsasaksakin si Dela Cruz.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa CCMC habang nadakip naman ng mga barangay tanod ang suspek.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.