Binata, patay sa HIV

NAALARMA ANG DOH-Bicol sa patuloy na pagbaba ng edad ng mga taong tinatamaan ng sakit na Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Naga City.

Sinabi ni Dr. Allan Lucañas, pinuno ng Infectious Class Office na karamihan sa mga pas-yenteng nagkakaroon ngayon ng naturang nakakahawa ng sakit ay edad 21 hanggang 24-anyos pa lamang.

Nabatid na ngayong buwan lamang ay isang 21-anyos na binatang kabilang sa third sex community ang namatay dahil sa HIV/AIDS.

Tumanggi naman si Lucañas na magbigay pa ng ibang detalye hinggil sa naturang impormasyon.

Samantala, sa halip ay nanawagan na lamang siya sa mga kabataan na na nasasangkot sa maagang pakikipagtalik sa kapareho nilang kasarian na iwasan ito upang hindi tamaan ng nasabing nakahahawa at nakamamatay na sakit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.