Binata, Patay sa Bugbog ng 20 Kabataan

PATAY ANG isang 18 anyos na binata makaraang makursunadahang pagtulu-ngan bugbugin ng may dalawangpung hindi nakikilalang kabataan sa isang birthday party sa Navotas City, iniulat ng Navotas Police Station kahapon ng umaga.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong hirap ng katawan ay nakilalang si John Paul Ortega, out of school youth, at residente ng 51 Sityo Baluta, Tonsuya, Malabon City.

Pinaghahanap ng mga elemento ng Navotas PNP ang mga ang mga hindi nakikilalang mga suspek na mabilis na nagsitakas matapos isagawa ang krimen.

Base sa ulat ni PO2 Vergilio Marinduque, ng Navotas Police Station at may hawak ng kaso, bandang alas-8 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa isang birthday party sa Brgy. Tangos, Navotas.

Nabatid na kasalukuyang nakikipagsaya ang biktima sa birthday ng kanyang kaibigan nang biglang lapitan ito ng mga suspek at agad na pagtulungan umbagin dahilan upang magtamo ito ng mga pasa, bukol at mga bali ng buto sa katawan.

Matapos ang nasabing insidente ay nagkanya-kanyang nagsitakas ang mga suspek at iniwang walang buhay ang biktima. (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.