Binata, Patay sa Bangungot

HINIHINALANG BANGU-NGOT ang naging dahilan ng maagang kamatayan ng isang binata matapos itong matagpuang patay sa loob ng kanyang silid kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima ay nakilalang si Edgar Adalin, 28, promo merchandiser, ng No. 245 G. De Jesus St., Brgy. 145, Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito sa ikatlong palapag ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Ayon kay Mang Rodrigo, ama ng biktima, tinungo niya ang silid ng anak (biktima) para gisingin. Pagbukas ng pinto ay nakita nitong naka-higa ang huli at wala nang buhay. Dahilan upang humingi ng tulong sa pulisya si Mang Rodrigo at nang respondehan ng Scene of the Crime Operatives-Northern Police District Office (SOCO-NPDO) ay may hinalang nalagutan ng hininga ang biktima.

Sa inisyal na pagsisiyasat, posibleng bangungot ang dahilan ng pagkamatay ng biktima matapos hindi makitaan ng anumang sugat ito sa katawan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng batang Adalin at kung may naganap na foul play sa nabanggit na insidente.       (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.