Binata, Patay; Pinsan, Kritikal sa Kainuman

TODAS ANG isang binata habang malubhang nasugatan ang pinsan makaraang pagsasaksakin ng kainuman nang magtalo sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Josel Pulga, habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng saksak katawan ang pinsan ng una na si Ryan kapwa ng Camias St., Malaria ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Jun Tunero, kapitbahay ng mga biktima.

Base sa ulat, alas-4:20 ng umaga, kainuman ng suspek ang magpinsan sa kanilang lugar nang magtalo ang una at ang nasawi.

Nagbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang nasawi kung saan nang tangkang tutulungan ni Ryan ang pinsan ay siya naman ng sinaksak ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek. Dinala naman si Ryan sa EAMC habang napuruhan si Josel.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pagtatalo ng suspek at nang nasawi.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.