Binata, Patay na Nang Makita sa Damuhan

PATAY NA nang makita ang isang binata sa damuhan makaraang pagsasaksakin ng dalawang kalugar sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Nelson Bondaug, 34, ng Green Ville, Bagumbong ng lungsod.

Nadakip naman si Jay-Ar Milanes, 28; habang nakatakas si Edgar Marcial, 32, pawang kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi, papauwi na ang biktima matapos makipag-inuman nang harangin ng mga suspek at pagtulungan pagsasaksakin.

Kahit sugatan ay nakatakbo ang biktima at hahabulin pa sana ng mga suspek subalit sumaklolo ang utol ng una na si Jonie na naging dahilan upang tumakas na sina Milanes at Marcial.

Nawala sa dilim ang biktima hanggang makitang patay na sa damuhan alas-5 kahapon ng umaga habang nadakip naman si Milanes sa isinagawang follow-up operation.

Inaalam na ng mga pulis ang pinagmulan ng pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.